Naalala ko nung highschool e nag lilinis kami tuwing pag katapos ng klase. Ngayong college, di na lamang namin yan ginagawa dahil may janitor naman na naglilibot sa college.
Pero di naman nagagawang linisan ng janitor namin ang lahat ng rooms sa building dahil iisa lang sya at maraming rooms yun, kaya para tulungan sya, kami na mismo ang nag linis ng room namin kanina.
Ang nakakabanas na experience lang e may mga kaklase ako na ~.best in comment.~ habang naglilinis ang grupo ko. Yung tipong:
“Dapat mag floor wax kayo kase nag floor wax kami”
“Unfair kase nag polish kami ng floor, dapat gawin nyo din”
“Isang box lang ng floor wax gagamitin nyo? Ang onti yata”
Hindi naman sila ang mapapagalitan kung hindi naman nag linis ng maayos diba? Kami naman ang madadale dun hindi sila. Hindi din sila ang mag eeffort diba. Bat kase may mga taong ganyan. >_>
DON’T JUDGE US BY HOW WE CLEAN THE CLASSROOM D:<
