Ako po si Bea.
Lagi nyo pong tandaan na kahit hindi man ganun kasarap ang buhay, habang buhay ako masarap. Hrhr.This is a personal blog. Anything posted here is my business and not yours. So your opinions are not welcome. Thank you.
Optimism is not in my DNA.
Posts tagged with gif.
GUSTO KO NA UMUWI.
I survived the first week of our affiliation. To sum it all up, it sucks. I’m often alone or asleep. The food tastes awful and I learned that our room is haunted. So much for a mini vacation.
Worst thing is, walang free internet

Sa paghawak ng kamay, sinisimbolo nito na hindi mo bibitawan ang isang tao, sinisimbolo din nito na sa kanya ka lang at kahit kailan hindi ka niya hahayaang makuha lang basta ng ibang tao.
Isa sa pangarap ng tao na magkaroon ng partner na hindi mahihiyang hawakan ang kanyang kamay kapag gumagala sila sa mall o saan mang parte ng mundo na magkasama sila. Bihira lang kasi ang taong papayag na humawak sa kamay niya. Napaka espesyal mo sa buhay niya sa oras na payagan kang hawakan ang kamay nito.
Pakiramdam mo ikaw na ang pinakaswerteng nilalang sa mundo kapag hawak mo ang kamay ng isang tao. Para bang ang sarap isigaw na “AKIN TO!” Mahal ko ang taong may ari ng kamay na ito. Pero sapat na yung hawak mo lang, puso mo na lang ang hahayaan mong sumigaw ng ganun.
Maaring may mga kaibigan tayong nahahawakan ang mga kamay, mga sinasabi nating formality kapag close na, pero nandun yung doubt na baka lagyan mo ito ng kahulugan. Kaya iba na rin talaga kapag masasabi mong sayo yung taong hinahawkan mo ang kamay.
Sabayan pa ng paghalik ng lalake o ng babae sa kamay mo? Panalo. Ayan ang isa sa masasayang bagay na makukuha mo sa oras na magmahal ka at pumasok sa isang relasyon. Habang hawak mo kasi ang kamay ng isang tao, para bang hinahawakan na rin niya ang buong pagkatao at puso mo.
Kahit mainit ang ulo natin sa isa’t isa paminsan, tuwing nag ho-holding hands na, nakakalimutan agad natin ang problema. Ewan. May something sa paghawak ng kamay mo na nakakabawas ng pag ka-badtrip. x]

